Tuesday, January 18, 2011

Soul Searching

15 January 2010, Puerto Galera

One week before the date, I have been so stressed with everything that's happening in my life. I am literally dragging myself para pumasok sa work. Hindi ko alam kung bakit. Kakakalahati pa lang ng unang buwan ng tao pero pakiramdam ko, kalahating taon na ang bigat ng pakiramdam ko. Then, ayun, naisip kong mag-biyaheng mag-isa. Go somewhere alone. I wanted to be away from the city.

The day before 15th, I was actually still undecided where to go. My first option was to go to Tagaytay. Even early morning of 15th, wala pang buong decision. Inisip ko, kung Tagaytay, ano naman ang ibang gagawin ko dun, kaya ayun, Gumora ako sa Galera.

I had fun actually. Masaya mag-travel na mag-isa. Walang ibang iisipin kundi sarili lang. Walang ibang dapat i-consider. Sobrang inenjoy ko yung paglalakad. Pag-hahanap ng sasakyan. Pagbili ng kakainin.

Few things I realized after my trip to Galera:
  1. Masarap maging single. Ieenjoy ko itong moment na ito. I realized na masyadong sunud-sunod ang mga relationships ko. Walang pahinga puso ko sa sakit. Besides, singlehood is fun. Wala kang dapat iconsider sa mga gagawin mo. Hindi mo dapat magpaalam kung ano gagawin, kung saan pupunta. Go party. Magpaka-wild. Meet a lot of people.
  2. Masarap mag-travel. Hindi ako galang tao. I mean, ayoko sa malayuang biyahe. But after my trip, gusto kong bumiyahe ng bumiyahe. I planned to go out of town atleast once a month. Kahit saan ang destination. Kahit mag-isa.
  3. Work Hard, Party Hard. When I say party hard, hindi lang nomo ng nomo. Have fun as well. Focus sa work but once in a while, treat yourself ng kahit na ano, kahit simpleng 3 in 1 na kape.
  4. Galera is a paradiso. I have been to Galera couple of times na noon pero after this trip, sobrang na-inlove ako sa Galera. Siguro dahil its my first time to go there alone. Naappreciate ko ang peace of mind na kaya niyang ibigay. Naappreciate ko ang mga simpleng bagay. Ang simpleng pamumuhay.
  5. Maganda ako. Hahaha... Wala nang kokontra. Hindi ko na ieelaborate kung ano ibig sabihin nito, siguro naman, alam niyo na kung bakit. =)
Sobrang sarap sa pakiramdam. Re-charged ako. Positive ang vibes. Gusto kong ulitin ito, soon.

Gusto ko pang isulat ang ibang detalye ng trip ko pero wala pa akong time. Balik na agad sa trabaho eh...

=)

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

1 comment:

  1. I can very well relate to your experience. During my trip to Calapan, after my designated work, I made a cut-trip to Puerto Galera and it was also during my "soul-searching" phase. I just wanted to see how Galera looks like. I never had plans to stay so I just grabbed an ice-cold rootbeer then sat along the shore and let the warm sunset kiss my skin. I left feeling so much good about myself and with peace of mind which reminds me, I might do yet another cut-trip in Iloilo this weekend. Perhaps you can join me in one of my out-of-town official trips then make a segue towards an interesting destination.

    ReplyDelete