Wednesday, January 13, 2010

BP

Friendly reminder...



For the first time, I experienced having high blood pressure. 140/90!
Kalowka! I'm just 22 years old at may high blood na ako. Kaasar... Noong 20 ako, nagka-arthritis ako, tapos ngayon eto naman...

Take care of your health guys!
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Monday, January 11, 2010

Nurse Boi


Ilang araw na tayong hindi nagkikita. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hinahanap ng katawan ko ang maiinit mong yakap. Nasasabik sa tamis ng iyong mga halik. Ang ngiti mong pumapawi sa hapo ng aking katawan. Hindi ko maiwasang mangarap na kapag magkasama tayo, sana hindi na matapos ang araw. Sana huminto ang pagtakbo ng oras. Ibang galak ang naiidudulot mo tuwing magkahawak an gating mga kamay. Hindi ko maiwasang maalala ang unang pagkikita natin…


Pangalawang beses kong pumunta noon sa Malate pagkatapos ng napakahabang panahon. Kasama ko noon ang dalawang kaibigan, si Matt at si Jobert. Ang isa ay beterano na sa kalakaran ng lugar samantalang ang huli ay bago, walang muwang sa mga maaaring mangyari. Unang beses makapunta ni Jobert sa Malate. Si Jobert ay isang tipikal na bading na hindi pumapatol sa mga bading na lalaki kung kumilos. Ang hilig niya ay mga straight. Noong una ay kinakabahan ako dahil baka hindi siya maging masaya sa lugar. Pero nakumbinsi namin siyang sumama kaya naisip ko na wala ng atrasan.

Uminom muna kami. Pulang Kabayo ang iniinom ko samantalang ang dalawa ay San Mig Light. Gusto kong malasing agad noon. Gusto kong makawala sa nagpipigil na sarili ko. Gusto kong makalimutan ang problema ko. Noong mga panahong iyon eh kami pa ni Master Jedi subalit madalas na ang aming pag-aaway. Ilang bote pa lang ang naiinom ko at dahil sa pagod din ako, unti-unting tumatalab ang alak sa katawan ko. Malakas na ang loob ko.

Hating-gabi na noong mapagpasyahan naming pumasok na sa loob ng bar. Isa sa pinakakilalang bar ng mga taong kagaya ko. Medyo mahal ang entrance fee pagkatapos ay isang alak lang ang kasama. Pero kahit ganun, gusto namin ang lugar. Doon namin balak matikman ni Jobert ang una niyang karanasan sa Malate. Pagpasok sa loob, marami na ang tao. Hindi naman kami nahirapan sa pagpunta sa lugar namin. Lugar kung saan laging nakakakuha si Matt. Kagaya ng dati, kumakabog ang dibdib ko sa musika. Nakabibingi sa lakas ang tugtog. Dahil sa espiritu ng alak, sinasabayan ko na ng indayog ang tugtog. Sayaw dito, sayaw doon.

Hindi pa ako nag-iinit sa dance floor ng pamansin kita. Subalit kahit na naka-inom na ako at may lakas ng loob, hindi kita magawang lapitan. Hinayaan ko lang ang mga mata ko sa pagtunghay sa’yo kasabay ng pag-sayaw ko ng walang hinto. Napansin ko na may nakuha ng kasayaw si Matt, ganun din si Jobert. Mag-isa akong sumasayaw. Walang akong pakialam sa ibang tao sa paligid ko. Palihim kitang inoobserbahan. Gusto kitang lapitan subalit napanghihinaan ako ng loob. Hindi ko malaman kung bakit.

Lumipas ang oras. Pareho pa ring may kasayawan si Jobert at Matt. Dumating sa punto dalawa ang naging kasayawan ni Jobert. Sabay. Ipinakilala ako ni Jobert sa kasayawan niya. Laking gulat ko noong ipakilala ka ng kasayawan ni Jobert. Hindi ko akalain na kaibigan ka ng kasayawan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lumakas ang kabog sa dibdib ko. Tuluyan na akong iniwan ni Jobert at Matt. Pareho na silang abala sa pagsasayaw.

Nilapitan kita. Tinanong uli ang pangalan mo. Nagtanong ng mga bagay-bagay subalit napaka-tipid mo sa pagsagot. Nakadama ako ng hiya. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Inisip ko na baka hindi mo ako tipo. Kung anu-ano ang iniisip ko. Wala pa rin akong lakas ng loob kahit nagka-usap na tayo at naipakilala sa isa’t isa. Sinubukan kitang sayawan subalit tila hindi ka nadadala. Nakatitig ka lang sa mga nagsasayaw sa ledge.

Kinausap kita uli. Tinanong kung saan ka nag-aral. Kung ano ang trabaho mo. Sumagot ka naman. Unti-unti akong nabuhayan ng loob. Naglakas loob akong hawakan ka sa bewang. Hindi ka pumalag…

(Itutuloy…)
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Thursday, January 7, 2010

Dos Mil Diyes II

Nakarating na ako sa bahay namin ng mga 5pm. Super gutom. Siyempre, lumamon ako pagkadating na pagkadating. Niluto ni Mudyay ang favorite ko, ang kare-kare. Habang kumakain ako, nagluluto naman sila ng ni-request ko ring handa, ang spaghetti. Namiss ko ang luto ni Mudra kaya lamon talaga ang ginawa ko. After kong kumain, dahil patabaing baboy ang drama ng lolo niyo, nagpaalam ako kay Mudra na magboborlogz ako. Nagpapagising ako ng 10pm para sa pagsalubong sa bagong taon. Nagyayaya rin kasi si bunso ng inuman. Dahil sa pagod, bangkay-mode agad ako. Dahil kampante ako na gigisingin ako, hindi na ako nag-alarm. Ang nakakaloka lang, as in nakakawindang, hindi ako ginising. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko. Bagong taon, naghihilik ako.

January 1, umaga na ako nagising. Hindi ko na namalayan ang celebration na naganap. Naaasar ako dahil I wanted to celebrate ng bonggang-bongga pero walang nangyari. Dapat uuwi din ako ng araw na ito pero dahil ramdam ko pa rin ang pagod at gusto ko pa ring magbakasyon, I decided to stay in Pampanga for one more day. Dahil nag-stay pa ako, nagluto pa rin ng special na ulam si mudra. Grabe! Lamon ako ng lamon. Nagbreakfast ako ng spaghetti plus nag-kanin pa ako kasi natakam ako sa natirang kare-kare. After 3 hours eh luto na ang lunch. Ayun, kumain na uli ako. Sobrang nasabik ako sa lutong bahay. Anyway, inenjoy ko talaga ng sobra ang stay ko dun.

January 2, lumuwas na uli ako ng Manila. Ang balak ko eh hapon na sana lumuwas pero dahil nalaman kong papunta si Fudra sa house, nagmadali akong mag-ayos dahil ayokong magpang-abot kami sa house. Ayokong masira ang mood ng bagong taon. Mga 1pm, nasa Robinsons Pampanga na ako. Doon ako sasakay ng bus. Pero dahil noon lang uli ako nakapunta dun, nag-ikot-ikot ako. Dahil maliit lang siya, na-ikot ko siya ng ilang ulit. May mga paminta din akong nakita dun. I don't want to be rude or what so ever pero naloka lang ako sa kanila. Ayoko na lang mag-comment. Siguro nagkataon lang na ganun ang mga pamintang nandun. Anyway, around 4pm, nakasakay na ako ng bus paluwas ng Manila. 6pm, nasa siyudad na ako. Nagliwaliw uli ako sa mall. Inikot ko ang Shangri-la. Habang nag-iikot ako, naka-text ko ang best friend ko. Nagyaya sa gay bar. Dahil gusto kong lubus-lubusin ang bakasyon, gora kung gora ako. Umuwi na ako agad para ibaba ang gamit at makaligo na rin. We met up around 8pm sa Robinsons Place Manila. We planned to go to a new Gay Bar kaso nung tumawag kami sa Bar, sarado raw sila kaya hayun, bumagsak din kami sa dati naming pinupuntahan. As usual, enjoy pa rin kami dun. Nagpakalango sa alak...

Eto ang mga kaganapan sa aking buhay sa mga huling araw ng 2009 at mga unang araw ng 2010. Kakalowkang alalahanin!
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Wednesday, January 6, 2010

Dos Mil Diyes

I’m expecting a lot of sleeping this year because last New Year celebration, I just slept. Wahahaha… Ewan ko ba kung bakit natulog lang ako. I actually had a quite adventure on the last few days of 2009…

December 30, we don’t have any work so we decided to go to the Gay Bar. Kasama namin si Mommy Cel, one of my closest friends sa office. First time niya sa Gay Bar so kami ang “tourist guide” niya. As usual, kasama ko si Iris (my sissy) and si Bim (ang babaeng kung humalakhak eh wala ng bukas). We had fun during that night. Akala nga namin eh walang mapapalang maganda nung gabing yun kasi konti lang ang mga dancers. Nakabakasyon daw ang karamihan. Ang mga natira eh puro latak. Wahahaha.. Konti lang ang choices. So ilang oras din kaming puro kwentuhan lang at puro lait ng mga dancers. Mega-kanta pa kami dahil sinasabayan namin yung sinasayaw ng mga dancers. Sabi ko nga, sana nag-videoke na lang kami kung ganun lang din ang drama namin. And as usual, table namin ang pinaka-maingay. Nakakatuwa kasi super game si Mommy Cel sa Bar. Ang sabi ko nga kay Iris eh may bago ng reyna sa grupo namin na pumupunta sa Bar. Paano ba naman kasi, muntik ng maibigay ni Mommy Cel ang wallet niya nung may lumapit sa aming dancer para humingi ng “sabit”, eh nago-all-the-way yung lumapit sa amin so nataranta ang Mother Cel. Ilang oras na at kami-kami pa lang din. Wala pang gustong mag-table ng dancer. At dahil first time ni Mommy Cel, gusto kong ma-experience niya ang “Show Up” sa Bar. Ito yung pupunta lahat ng dancers sa table niyo at pipili ka kung sino ite-table mo. Para kang pipili sa mga paninda na nakasabit sa tindahan. Ayun, may napili naman akong matino. At after kong mag-table, naloka ako kasi super nag-table na rin ang mga kasama ko. Parang hinintay lang na may mauna. Hehehe… Siyempre, may table din si Mommy Cel at bumongga siya ng drinks sa table niya. At inabot na kami ng closing dun. Nag-hi kami kay Sunshine Dizon!

December 31, dahil inumaga na nga kami sa Bar at medyo naka-inom na nga, I decided to go home first sa apartment at magpahinga. Baka kasi kapag bumiyahe ako agad pauwi sa Pampanga eh magdire-diretso ako sa Olongapo dahil nakatulog ako sa Bus. So, I slept first and woke up by 10am. Around 12:30pm, I’m already at the bus station. I’m so pissed off kasi may 1pm na aalis ng bus papunta sa destination ko pero nung bibili na ako ng ticket, naka-alis na raw ang bus at ang next trip eh 3pm pa. Wala naman akong ibang choice kundi maghintay na lang. Bumalik muna ako ng Gateway at nag-kape para pampawala ng antok and to kill time. Kaasar pa dahil hindi ako maka-connect sa free wifi ng Araneta so nagbasa ng lang ako ng kung anu-ano sa laptop ko. Around 2:30pm nasa station na uli ako at pumila. Nawindang ako nung sinabi nung ticketing officer which is the same person na naka-usap ko nung una na wala ng bus na bibiyahe dun sa destination ko. Itinuro ko sa kanya yung schedule of trips na naka-paskil sa harapan niya. Siyempre, natameme siya. Ayokong mang-away kaya ang patience super pina-haba ko ng bongga. Binigyan ako ng ticket sa bus na papuntang Baguio. Last trip daw ng Baguio yun for the day. Idadaan ako dun sa destination ko. Oh di ba bongga? Special ang trip dahil sa akin. Anyway, sumakay na ako ng bus agad. Ang haba ng pila dahil ang daming chance passengers. Pag-upo ko, sinabihan ako ng konduktor na hindi daw dun ang upuan ko dahil naka-reserved na raw yun. Dahil mainit na nga ang ulo ko, hinagis ko sa sa kanya ang ticket ko at pinabasa sa kanya kung anong seat number ang nandun. Tapos mas nagulantang siya dahil dadaan sila sa destination ko na hindi naman pala dapat. Ayun, naloka siyang mag-isa. Na-realize ko rin na digital na talaga ang karma dahil pagkapulot niya ng ticket ko eh nauntog siya pagtayo niya. Wahahaha…

to be continued...

(Late post na nga, hindi pa tapos... wahahaha..)
====>>>
Till Then... Angel will spread his wings and fly...