Wednesday, December 22, 2010

HIM. I love you!

I know that I’m not a good one. I had mine to express whatever is inside me. If you notice, I don’t have much. Maybe because, I do not have enough time and I do not have the courage to do so. Afraid of criticisms, I guess. Before, I am actually not interested with this. But when I signed up for this, I never knew that its way, way more exciting and thrilling. You get to know the “current” things happening to a person. Yeah, I admit, I have been following the naughty ones.

I have been exploring different people with their “unique” escapades in life. Sending comments about this, about that. Every day, I looked forward for their newly shared experiences. Then came one day, I felt that something is missing, something is not there. Yes, sometimes, you can get some moral from them but most of the time, its just naughtiness (no pun intended, I do enjoy you guys ), nothing more.

I really can’t remember how I knew him. I was just hopping that time. Jumping from one to another. When I reached him, I was glued with his greetings. To be honest, I thought it will just all be the same as others, but I was wrong. So wrong. He was already been running with few chapters, so I had to backtrack and catch up. I remember that on the day I met him I have lot of things to do at work but gaawwwddd... I was not able to stop myself on exploring him. I wanted to know him deeply. It was like a love at first sight.

Since Day 1 from the date I met him, I looked forward going for work. Even if I knew that I have tons of work to do, I still have this light feeling because of him. Day by day, I was craving for news about him. Day by day, I wanted to know him more. Day by day, I was falling for him deeply.

Everytime I am with him, I can feel his sincerity. I can feel every situation he got into. I can feel his sadness. I can see his genuine smile. I am down everytime he is shedding tears. I am hyper everytime he is happy. He affects my day so much.

One day, I took a quiz related to him. A quiz that somehow tells you who are you in his life. I am not surprised when I got the result. I got him. Its like I am in front of a mirror everytime I am with him. Though we do not have the same experiences but I also believe with his views in life.

Then came a part in his life wherein he fell for a straight guy, named Andre. This situation actually had a great impact in my life because I before do not believe with the idea of “straight-gay relationship”. For me, straight guys can be friends with gay but too much affection, nah… not possible. But then again, when he met Andre, my perspective changed. I can say that I am now more open with it. But still I hate Andre because of what he did to him. It came to a point where in I told myself, “Sana, ako na lang ang nasa puwesto mo.”

There was a time that I was forbidden to see him as it was demanded by my work. I can’t do anything about it because I can lose my job if I insisted (besides, its normal for a BPO company). I was so sad. Its like, I am not complete. I needed to know what’s happening to him. I went to a person that I knew who can help me with my problem. Literally beg to give permission to see him. I was fortunate enough, I got his permission. I jumped and jumped because of happiness. I was able to date him again.

Another part of his life which I cannot forget and which I am very envious of was when Jeremy came into the limelight. It was very sweet. Full of surprises. I felt sad because it did not work that long because of some important things that happened to him. I cannot blame Jeremy but I just wished that he could’ve just given more understanding and patience with the situation.

With the sad part around because of the things happening with Jeremy, I still felt the excitement for him because of Wei and Jagger. Two different persons, two different personalities. I love them both because they care for him. When I saw Wei in the picture, I blushed because he is actually my type of guy (ahihi). I also love the mysteriousness of Jagger.

I don’t know if its right. Its not that I am desperate. There are a lot of things to consider. We barely knew each other despite the fact that he already shared most of the things happened to him. I do not want to sound like a psycho or whatever but I wish I can have his attention, his love. I want to feel that kind of love. Pure love.

I know that because of him, many people will understand how life as a person like “us” is. Because of him, I am hoping that many eyes will be open not just about “us”, also about treating “love” and “life”.

If you are intrigued and you want to know who he is, go to his site:

To Adam, this is my attempt to do a blog review. I told you, I’m not a good writer but because I love you, I did it.

Till then... Angel will spread his wings and fly...

Wednesday, December 15, 2010


2011 na...

Wala pa akong nasusulat na iba...


Tuesday, September 28, 2010

Love and Work

December 2008 - Mid of 2010
Trabaho. Bahay. Gimik. Bahay. Date with bf. Bonding with bf. Inom with bf. Bahay.
Trabaho. Bahay. Gimik. Bahay. Date with bf. Bonding with bf. Inom with bf. Bahay.
Ganito ang routine ko dati. Kayang pagsabayin halos lahat ng gusto kong gawin. Siguro dahil sa hindi ganun ka-demanding ang time sa trabaho. Yeah, I am working for a start-up company but during those times, I am not that busy. I am just actually reporting for work before to train (if I have a class); update some processes, documents, etc.; conduct some interviews with applicants; facebook; read blogs; surf the web; smoke; eat; facebook; read blogs; surf the web; makipaglandian at makipagharutan sa floor.

When I had my relationship with my current boyfriend, I was still able to bond with him. In fact, nadadala ko pa siya sa loob ng opisina. Naghaharutan kami sa station ko. Eat together, smoke together, at makipagharutan with my friends. I was able to give almost my whole attention to him. Nakakatuwa dahil masaya ang lovelife pero work wise, I just felt that I am not growing. Same routine ang ginagawa ko. Wala na akong bagong natutunan. Wala nang development. Masaya si bf, masaya rin naman ako pero malungkot dahil nga sa trabaho. Then came...

Mid of 2010
Nagpalit kami ng boss. This time, a very demanding one. Lahat halos nanibago. Wala na ang petiks mode sa trabaho. I was excited! New challenge. 

He fixed everything in the company. Ang processes na dating mailap sa amin, biglang nagsipagdapuan sa opisina. Nagbago ang ganito, nagbago ang ganyan. Kumbaga, parang nagsimula kami uli.

Sa mga unang buwan niya sa opisina, since wala pa akong manager, ako ang point of contact sa department ko. Lahat ng demands, kailangang ma-meet. I stretched my abilities to meet his expectations. Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero with the feedback that I got, I was able to prove myself to him. Pero kahit na ganun ang nangyari, kulang pa rin ang mga experience ko para maging maganda and department.

A managerial position for my department was posted. I wanted to apply but I backed out. Mainly because I know to myself that I am still not capable for the position. I was open to have a mother. A person who will guide me to achieve that post in the future. Then my Mother K was hired for the post. She became my manager, my mother.

A new account was launched. Since I was the only trainer that time, I was the person in-charge for the account. I will be the trainer for the account, kagaya ng sinabi ni Mother K. In short, I needed to master the processes of the account. Again, for the company AND for myself, I extended my abilities para sa trabaho. I was so hungry for new things, new knowledge.

We were able to launch the program successfully. During that time, I was super busy which resulted for me not to be with bf all the time. Every time that we’re together, since I’m super tired at work, wala na akong nagagawa kundi ang tabihan siya sa pagtulog. In short, medyo nawalan ako ng oras sa kanya. Inaamin ko, sobrang nabawasan ang oras ko sa kanya.

Then we decided to live together. I thought it will be a great help for us. But work demanded for more time. Nandun na yung nagkakausap at nagkakabonding kami pero sobrang hindi ganun kadalas kagaya ng dati. He started to complain about it. Siyempre, pinapaliwanag ko ang mga nangyayari. Na hindi kagaya ng dati ang work ko. Mas maraming ginagawa ngayon. Mas kailangang mag-focus sa work. Unfortunately, my explanations were not enough. He came to a point where in he compared my love for him with my passion for work.

Then he applied in our company. I agreed with it dahil alam kong makakatulong ito para maintindihan niya ang nangyayari sa akin. I also did my best to balance my time: Him, work, and friends.

Isang issue pa rin pala sa kanya ang pag-labas ko with my friends. He actually wanted, instead of spending time with my friends, I should spend time with him. Again, I explained that I also need to go out with my friends. Siyempre, iba pa rin yung may time ka with your friends.

Until now, I am still busy at work. I’m doing my best to master time management. Time management: Him, work, and friends. So far, nakaka-adjust na… Sana nga lang, napapansin niya na…

I just can’t help but to think: Bakit ba kung kelan nagiging ok na ako sa work tsaka naman nagkakaroon ng problema sa puso? Hindi ba pwedeng maging sabay?


Friday, August 20, 2010

I so much...

I so much wanted to write...
I so much wanted to share the things happening to me...
I so much wanted to voice out...
I hate it because Mr. Time does not permit me...

Friday, June 4, 2010

Wala pa rin...

I am not liking this...

Wala akong time para mag-sulat. Kung meron man, walang pumapasok sa utak ko...


Thursday, May 6, 2010

Short entry

Meron po akong bagong naisulat.
Isang maikling entry lang po.
Anong hiwaga meron ang Itim?


Till then... Angel will spread his wings and fly...

Monday, May 3, 2010

stand by mode

dahil super busy pa... hindi pa nakakapag-sulat... sana makapagsulat na ako uli...

Monday, February 8, 2010

Liyab - Pink Wings of Angel

New entry. Hindi ko pa kasi alam kung paanong gagawin yung nareredirect yung page eh. =)

Till then... Angel will spread his wings and fly...

Friday, February 5, 2010


"Sobrang nagsisisi ako kung bakit pa ako nakipagkita sa'yo. Kung hindi lang hiniling ni Mama na kausapin kita, hinding-hindi ako gagawa ng kahit anong komunikasyon sa'yo. Kung pwede nga lang na mawala na ng tuluyan ang kung anomang koneksyon natin, matagal ko nang ginawa!

Kinausap kita dahil gusto ni Mama. Labag man sa kalooban ko, sinunod ko ang hiling niya dahil gusto ko siyang mapagbigyan at mapasaya kahit paano. Maayos naman noong una hindi ba? Bakit kailangan mo pang gawin yun?

Kung kuntento ka na na umaasa sa ibang tao, kung kuntento ka na sa paggamit ng ibang tao, huwag mo na akong idamay! Hindi ko kaya na habang buhay eh naka-asa lang ako sa iba. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong suportahan ang sarili ko and eventually, sina Mama. As much as possible, ayoko nang tumanaw ng utang na loob kay Tita, lalo na sa'yo!

Hindi ko kinakahiya kung anoman ang ginagawa ko dahil lahat ng ito ay dahil sa hangarin kong matulungan sina Mama. Hindi ko sila ginagamit! Kung sa tingin mo eh ginagamit ko lang sila, wala na akong pakialam. Ang alam ko, sarado ang utak mo! Atleast ako, gumagawa ng paraan para mabuhay sila. Eh ikaw? Kung iwanan ka kaya ni Tita, paano mo bubuhayin ang pamilya mo? Isa pa, ikaw ba hindi nahiya sa ginawa mo? Kaya huwag mong sasabihing nakakahiya ako dahil nakakatawa ka lang!

Hindi ako isang hayop para ikulong! Ang daming naging epekto ng ginawa mo! Muntik ng masira ang tiwala sa akin ng matalik kong kaibigan. Ang daming mga haka-haka ang nangyari sa opisina dahil sa ginawa mo! Oo, ikaw ang nagbigay ng buhay sa akin pero sa tingin ko, wala kang karapatan para gawin sa akin iyon! Dahil sa ginawa mong pagkulong sa akin, pakiramdam ko, isa akong kriminal na may ginawang napakalaking kasalanan!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mong ito! Papatunayan ko sa'yo na kakayanin ko ng wala ka sa buhay ko! Kakayanin kong suportahan ang pamilya ko! Hindi na kami aasa sa'yo at sa kabit mo!"

Isang paglalabas ng sama ng loob mula sa masamang karanasan na nangyari nitong mga nakaraang araw...
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Wednesday, January 13, 2010


Friendly reminder...

For the first time, I experienced having high blood pressure. 140/90!
Kalowka! I'm just 22 years old at may high blood na ako. Kaasar... Noong 20 ako, nagka-arthritis ako, tapos ngayon eto naman...

Take care of your health guys!
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Monday, January 11, 2010

Nurse Boi

Ilang araw na tayong hindi nagkikita. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hinahanap ng katawan ko ang maiinit mong yakap. Nasasabik sa tamis ng iyong mga halik. Ang ngiti mong pumapawi sa hapo ng aking katawan. Hindi ko maiwasang mangarap na kapag magkasama tayo, sana hindi na matapos ang araw. Sana huminto ang pagtakbo ng oras. Ibang galak ang naiidudulot mo tuwing magkahawak an gating mga kamay. Hindi ko maiwasang maalala ang unang pagkikita natin…

Pangalawang beses kong pumunta noon sa Malate pagkatapos ng napakahabang panahon. Kasama ko noon ang dalawang kaibigan, si Matt at si Jobert. Ang isa ay beterano na sa kalakaran ng lugar samantalang ang huli ay bago, walang muwang sa mga maaaring mangyari. Unang beses makapunta ni Jobert sa Malate. Si Jobert ay isang tipikal na bading na hindi pumapatol sa mga bading na lalaki kung kumilos. Ang hilig niya ay mga straight. Noong una ay kinakabahan ako dahil baka hindi siya maging masaya sa lugar. Pero nakumbinsi namin siyang sumama kaya naisip ko na wala ng atrasan.

Uminom muna kami. Pulang Kabayo ang iniinom ko samantalang ang dalawa ay San Mig Light. Gusto kong malasing agad noon. Gusto kong makawala sa nagpipigil na sarili ko. Gusto kong makalimutan ang problema ko. Noong mga panahong iyon eh kami pa ni Master Jedi subalit madalas na ang aming pag-aaway. Ilang bote pa lang ang naiinom ko at dahil sa pagod din ako, unti-unting tumatalab ang alak sa katawan ko. Malakas na ang loob ko.

Hating-gabi na noong mapagpasyahan naming pumasok na sa loob ng bar. Isa sa pinakakilalang bar ng mga taong kagaya ko. Medyo mahal ang entrance fee pagkatapos ay isang alak lang ang kasama. Pero kahit ganun, gusto namin ang lugar. Doon namin balak matikman ni Jobert ang una niyang karanasan sa Malate. Pagpasok sa loob, marami na ang tao. Hindi naman kami nahirapan sa pagpunta sa lugar namin. Lugar kung saan laging nakakakuha si Matt. Kagaya ng dati, kumakabog ang dibdib ko sa musika. Nakabibingi sa lakas ang tugtog. Dahil sa espiritu ng alak, sinasabayan ko na ng indayog ang tugtog. Sayaw dito, sayaw doon.

Hindi pa ako nag-iinit sa dance floor ng pamansin kita. Subalit kahit na naka-inom na ako at may lakas ng loob, hindi kita magawang lapitan. Hinayaan ko lang ang mga mata ko sa pagtunghay sa’yo kasabay ng pag-sayaw ko ng walang hinto. Napansin ko na may nakuha ng kasayaw si Matt, ganun din si Jobert. Mag-isa akong sumasayaw. Walang akong pakialam sa ibang tao sa paligid ko. Palihim kitang inoobserbahan. Gusto kitang lapitan subalit napanghihinaan ako ng loob. Hindi ko malaman kung bakit.

Lumipas ang oras. Pareho pa ring may kasayawan si Jobert at Matt. Dumating sa punto dalawa ang naging kasayawan ni Jobert. Sabay. Ipinakilala ako ni Jobert sa kasayawan niya. Laking gulat ko noong ipakilala ka ng kasayawan ni Jobert. Hindi ko akalain na kaibigan ka ng kasayawan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lumakas ang kabog sa dibdib ko. Tuluyan na akong iniwan ni Jobert at Matt. Pareho na silang abala sa pagsasayaw.

Nilapitan kita. Tinanong uli ang pangalan mo. Nagtanong ng mga bagay-bagay subalit napaka-tipid mo sa pagsagot. Nakadama ako ng hiya. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Inisip ko na baka hindi mo ako tipo. Kung anu-ano ang iniisip ko. Wala pa rin akong lakas ng loob kahit nagka-usap na tayo at naipakilala sa isa’t isa. Sinubukan kitang sayawan subalit tila hindi ka nadadala. Nakatitig ka lang sa mga nagsasayaw sa ledge.

Kinausap kita uli. Tinanong kung saan ka nag-aral. Kung ano ang trabaho mo. Sumagot ka naman. Unti-unti akong nabuhayan ng loob. Naglakas loob akong hawakan ka sa bewang. Hindi ka pumalag…

Till then... Angel will spread his wings and fly...

Thursday, January 7, 2010

Dos Mil Diyes II

Nakarating na ako sa bahay namin ng mga 5pm. Super gutom. Siyempre, lumamon ako pagkadating na pagkadating. Niluto ni Mudyay ang favorite ko, ang kare-kare. Habang kumakain ako, nagluluto naman sila ng ni-request ko ring handa, ang spaghetti. Namiss ko ang luto ni Mudra kaya lamon talaga ang ginawa ko. After kong kumain, dahil patabaing baboy ang drama ng lolo niyo, nagpaalam ako kay Mudra na magboborlogz ako. Nagpapagising ako ng 10pm para sa pagsalubong sa bagong taon. Nagyayaya rin kasi si bunso ng inuman. Dahil sa pagod, bangkay-mode agad ako. Dahil kampante ako na gigisingin ako, hindi na ako nag-alarm. Ang nakakaloka lang, as in nakakawindang, hindi ako ginising. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko. Bagong taon, naghihilik ako.

January 1, umaga na ako nagising. Hindi ko na namalayan ang celebration na naganap. Naaasar ako dahil I wanted to celebrate ng bonggang-bongga pero walang nangyari. Dapat uuwi din ako ng araw na ito pero dahil ramdam ko pa rin ang pagod at gusto ko pa ring magbakasyon, I decided to stay in Pampanga for one more day. Dahil nag-stay pa ako, nagluto pa rin ng special na ulam si mudra. Grabe! Lamon ako ng lamon. Nagbreakfast ako ng spaghetti plus nag-kanin pa ako kasi natakam ako sa natirang kare-kare. After 3 hours eh luto na ang lunch. Ayun, kumain na uli ako. Sobrang nasabik ako sa lutong bahay. Anyway, inenjoy ko talaga ng sobra ang stay ko dun.

January 2, lumuwas na uli ako ng Manila. Ang balak ko eh hapon na sana lumuwas pero dahil nalaman kong papunta si Fudra sa house, nagmadali akong mag-ayos dahil ayokong magpang-abot kami sa house. Ayokong masira ang mood ng bagong taon. Mga 1pm, nasa Robinsons Pampanga na ako. Doon ako sasakay ng bus. Pero dahil noon lang uli ako nakapunta dun, nag-ikot-ikot ako. Dahil maliit lang siya, na-ikot ko siya ng ilang ulit. May mga paminta din akong nakita dun. I don't want to be rude or what so ever pero naloka lang ako sa kanila. Ayoko na lang mag-comment. Siguro nagkataon lang na ganun ang mga pamintang nandun. Anyway, around 4pm, nakasakay na ako ng bus paluwas ng Manila. 6pm, nasa siyudad na ako. Nagliwaliw uli ako sa mall. Inikot ko ang Shangri-la. Habang nag-iikot ako, naka-text ko ang best friend ko. Nagyaya sa gay bar. Dahil gusto kong lubus-lubusin ang bakasyon, gora kung gora ako. Umuwi na ako agad para ibaba ang gamit at makaligo na rin. We met up around 8pm sa Robinsons Place Manila. We planned to go to a new Gay Bar kaso nung tumawag kami sa Bar, sarado raw sila kaya hayun, bumagsak din kami sa dati naming pinupuntahan. As usual, enjoy pa rin kami dun. Nagpakalango sa alak...

Eto ang mga kaganapan sa aking buhay sa mga huling araw ng 2009 at mga unang araw ng 2010. Kakalowkang alalahanin!
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Wednesday, January 6, 2010

Dos Mil Diyes

I’m expecting a lot of sleeping this year because last New Year celebration, I just slept. Wahahaha… Ewan ko ba kung bakit natulog lang ako. I actually had a quite adventure on the last few days of 2009…

December 30, we don’t have any work so we decided to go to the Gay Bar. Kasama namin si Mommy Cel, one of my closest friends sa office. First time niya sa Gay Bar so kami ang “tourist guide” niya. As usual, kasama ko si Iris (my sissy) and si Bim (ang babaeng kung humalakhak eh wala ng bukas). We had fun during that night. Akala nga namin eh walang mapapalang maganda nung gabing yun kasi konti lang ang mga dancers. Nakabakasyon daw ang karamihan. Ang mga natira eh puro latak. Wahahaha.. Konti lang ang choices. So ilang oras din kaming puro kwentuhan lang at puro lait ng mga dancers. Mega-kanta pa kami dahil sinasabayan namin yung sinasayaw ng mga dancers. Sabi ko nga, sana nag-videoke na lang kami kung ganun lang din ang drama namin. And as usual, table namin ang pinaka-maingay. Nakakatuwa kasi super game si Mommy Cel sa Bar. Ang sabi ko nga kay Iris eh may bago ng reyna sa grupo namin na pumupunta sa Bar. Paano ba naman kasi, muntik ng maibigay ni Mommy Cel ang wallet niya nung may lumapit sa aming dancer para humingi ng “sabit”, eh nago-all-the-way yung lumapit sa amin so nataranta ang Mother Cel. Ilang oras na at kami-kami pa lang din. Wala pang gustong mag-table ng dancer. At dahil first time ni Mommy Cel, gusto kong ma-experience niya ang “Show Up” sa Bar. Ito yung pupunta lahat ng dancers sa table niyo at pipili ka kung sino ite-table mo. Para kang pipili sa mga paninda na nakasabit sa tindahan. Ayun, may napili naman akong matino. At after kong mag-table, naloka ako kasi super nag-table na rin ang mga kasama ko. Parang hinintay lang na may mauna. Hehehe… Siyempre, may table din si Mommy Cel at bumongga siya ng drinks sa table niya. At inabot na kami ng closing dun. Nag-hi kami kay Sunshine Dizon!

December 31, dahil inumaga na nga kami sa Bar at medyo naka-inom na nga, I decided to go home first sa apartment at magpahinga. Baka kasi kapag bumiyahe ako agad pauwi sa Pampanga eh magdire-diretso ako sa Olongapo dahil nakatulog ako sa Bus. So, I slept first and woke up by 10am. Around 12:30pm, I’m already at the bus station. I’m so pissed off kasi may 1pm na aalis ng bus papunta sa destination ko pero nung bibili na ako ng ticket, naka-alis na raw ang bus at ang next trip eh 3pm pa. Wala naman akong ibang choice kundi maghintay na lang. Bumalik muna ako ng Gateway at nag-kape para pampawala ng antok and to kill time. Kaasar pa dahil hindi ako maka-connect sa free wifi ng Araneta so nagbasa ng lang ako ng kung anu-ano sa laptop ko. Around 2:30pm nasa station na uli ako at pumila. Nawindang ako nung sinabi nung ticketing officer which is the same person na naka-usap ko nung una na wala ng bus na bibiyahe dun sa destination ko. Itinuro ko sa kanya yung schedule of trips na naka-paskil sa harapan niya. Siyempre, natameme siya. Ayokong mang-away kaya ang patience super pina-haba ko ng bongga. Binigyan ako ng ticket sa bus na papuntang Baguio. Last trip daw ng Baguio yun for the day. Idadaan ako dun sa destination ko. Oh di ba bongga? Special ang trip dahil sa akin. Anyway, sumakay na ako ng bus agad. Ang haba ng pila dahil ang daming chance passengers. Pag-upo ko, sinabihan ako ng konduktor na hindi daw dun ang upuan ko dahil naka-reserved na raw yun. Dahil mainit na nga ang ulo ko, hinagis ko sa sa kanya ang ticket ko at pinabasa sa kanya kung anong seat number ang nandun. Tapos mas nagulantang siya dahil dadaan sila sa destination ko na hindi naman pala dapat. Ayun, naloka siyang mag-isa. Na-realize ko rin na digital na talaga ang karma dahil pagkapulot niya ng ticket ko eh nauntog siya pagtayo niya. Wahahaha…

to be continued...

(Late post na nga, hindi pa tapos... wahahaha..)
Till Then... Angel will spread his wings and fly...