Tuesday, December 29, 2009

Rewind 2009

Last day of work for the year 2009. Walang masyadong work so I have time for blogging. Of course, hindi ako papahuli sa review ng buhay ngayong taong ito. I can say that this year is a roller coaster ride. Nakakaloka! Nakakatuwa! Nakaka-iyak! Lahat na ng emosyon...

January
  • Joined a start-up BPO company. Agent for two weeks and got promoted as Trainer.
  • Met up with Master Jedi after several months since the break up. Started dating again.
  • Started a new look - grew beard. Good bye "Good Boy Look"
  • Happy with life until the time came that my Mom knew about the "Girl". Worried because she tried committing suicide.
February
  • Official date as a Corporate Trainer (February 2). Handled my first training class. Had struggles but successfully overcame them.
  • Master Jedi and I officially got back as couple.
  • Problem with my Dad and "Girl" got worse. Planned for the worst scenarios.
March
  • Dad decided to resigned on his church duties and lived with "Girl".
  • Mom and sisters transferred in Pampanga.
  • INDEPENDENT. Rented a flat. I'm on my own.
  • Got a new phone - Nokia 5800
April
  • First financial problem for the year.
  • Homesick.
  • Planned to go Puerto Galera but was not able to.
  • Stopped communicating with Dad and "Girl".
May
  • First year anniversary with Master Jedi - May 13
  • Summer Outing with friends and Jed.
  • Was able to fix finances.
  • Enjoyed life.
June
  • Regularized as a regular employee.
  • Second financial crisis - paid tuition fees of my sisters.
  • Still enjoying life.
  • Went to Malate after 2 years of not having any gimmick night.
  • Stopped practicing my religion.
July
  • Busy with work.
  • Conflicts with Master Jedi started.
  • Went to Malate regularly.
August
  • Started this blog.
  • Regularized as a trainer.
  • Negative things started with work.
  • Broke up with Master Jedi.
  • Met Nurse Boi in Malate.
September
  • Got a new phone - E71
  • Got a partner at work - after several months of being the only trainer.
  • Still no adjustment with the compensation.
  • Dated Nurse Boi
October
  • Handle Communication Skills Training for the first time.
  • Ondoy.
  • Expected for the 13th month pay.
  • Usual routine.
  • Still dating with Nurse Boi
November
  • Still no 13th month pay.
  • Went home in Pampanga and got shocked because "Girl" has communication with my sisters and Mom was okay with it.
  • Talked to "Girl" again. "Girl" planned to end her relationship with Dad.
  • Planned for the financial support to family once "Girl" ended her relationship with Dad.
  • Went to a Gay Bar for the first time.
  • Getting serious with Nurse Boi
  • Start of the major financial crisis
December
  • Got the 13th month pay - paid some debts.
  • Got the increase on the compensation - atlast!
  • Got addicted with Gay Bar.
  • Deeply in love with Nurse Boi! =)
  • Decided to start a new blog - Pink Wings of Angel
  • FINANCIAL PROBLEM
Oh well, these are basically the things happened to me this year. I can not elaborate them further. Atleast, natatandaan ko pa ang mga pangyayari though hindi ganun ka-detailed. I can say that this year made me stronger and more mature in life.

Looking forward for 2010!

Bring it on!

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...


Soon to Fly...

Though I don't blog that much, another wings is soon to fly...


This is because of now my inspirations, thanks to Aris, Galen, Boying, and Red.

This blog will tell you my "adventures" and some stories made by yours truly.

Hope you will like it.

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Monday, December 28, 2009

"Sagana" ang Pasko!

Happy Holidays! Last weekend ko pa gustong ma-isulat ang entry na ito pero dahil walang chance na makapag-online, ngayon ko lang siya nai-publish...

I can say na "sagana" ang Christmas ko. As in "sagana"... Hindi ko nga alam kung paano sisimulan. Anyway, sa ganitong format ko na lang siya gagawin... =)

December 23,
5:00pm
Around this time, kakagising ko lang dahil tulog maghapon dahil may trabaho noong nagdaang gabi. I received a text message from my sister that my Mom was rushed in the hospital. Nadulas daw sa banyo and tumama ang ulo. Unconcious siya. I was super worried. Magpa-pasko pa naman (Though hindi talaga nagcecelebrate ng Christmas sa family dahil sa religion. Huwag na pong magtanong kung ano religion ko.) tsaka pa nangyari ito. Ang nakaka-asar pa, isang cellphone lang ang nadala ng dalawang sisters ko sa hospital at nalowbat pa. Wala akong nakukuhang update from them for couple of hours. Pumasok pa rin ako sa work dahil late na para umuwi pa ng probinsiya, wala ng masasakyan papasok sa resettlement namin and sa katangahan ko, I was not able to ask kung saang hospital dinala si Mama. Siyempre, wala ako sa sarili pagkadating sa office. My friends were trying to cheer me up pero walang effect ang ginagawa nila sa akin.

December 24,
1:00am
I was finally able to contact my sister. Hindi pa rin daw nagigising si Mama pero according sa doctor, she's stable na raw and wala namang internal bleeding. Medyo nakahinga ako ng konti dahil atleast stable siya. Super pray pa rin ako na sana maging super ok na siya.

4:30am
Around this time, tumawag sister ko telling na gising na si Mama. Salamat po, Lord! Ito ang una kong nasabi. I told her na after work eh didiretso na ako umuwi sa Pampanga. Nawala na ang pag-aalala ko dahil ok na si Mama. Pero she needs to stay pa rin sa hospital for observation.

9:00am
Nasa bus station na ako. Himala! Hindi ganun karami ang tao. I thought super hirap pauwi. Pero naghintay pa rin ako for the bus kasi 10:00am pa ang trip nung bus na sasakyan ko.

12:00pm
Nasa hospital na ako. I'm glad na super ok si Mama. Nangungulit na nga siyang umuwi dahil iniintindi ang gastos. Siyempre, dahil alam niyang wala pa akong tulog dahil galing ako sa work, hindi na siya kumibo nung sinabi kong huwag na niyang intindihin yung gastos at magpahinga na lang siya. Pero sa loob-loob ko, inaalala ko talaga ang gastos, hindi naman maiiwasan yun. Hindi mo naman maasahan ang dakila kong Fudra dahil nasa Cebu siya kasama si "Girl" at nagbabakasyon. Galing di ba? Anyway, hindi ko na lang inintindi yung sitwasyon na yun dahil ayaw ko nang mangunsumi pa.

2:00pm
Tulog. Bagsak. Borlogs. Bangkay-Mode.

5:00pm
Nadischarge na si Mama. According sa doctor, pwede na raw siya umuwi. Salamat uli ang nasabi ko. Pero kabado ako sa bill. Hindi ko kasi alam kung enough ang dala naming pera. Nung sinesettle ko na ang bill, parang ako naman ang gustong ma-hospital. Haayy... Ubos ang pera. Pero sabi ko sa sarili ko, okay lang ito, kikitain ko pa uli ito. Ganun din ang sinabi sa akin ng kaibigan ko, huwag na raw intindihin ang gastos, ang mahalaga okay na si Mama.

7:00pm
Naka-uwi na kami sa bahay. Pagdating sa bahay, nakaka-loka si Mama. Dumiretso sa kusina at may balak magluto ng dinner. Ang nasabi ko lang,
"Ma, okay ka lang? Parang hindi ka galing ng hospital ah? Magpahinga ka nga dun. Nakakaloka ka!"

Buti naman at nakinig dahil akala ko, magtatalo pa kami ng bongga. After few minutes na masigurado ko na magpapahinga si Mama, ako naman ang pumasok na sa kuwarto ko. Borlogs uli dahil super stressed na ako.

December 25,
Midnight
Merry Christmas! Bangkay Mode pa rin ako dahil sa pagod.

6:00am
Nagising na ako dahil sa gising na lahat ng tao sa bahay. Nakakaloka! Ang aga nilang magising. Sinabi ng sister ko na pauwi na raw si Fudra. Dahil dun, nag-ayos na ako agad para lumuwas na uli ng Manila. Ayokong magpang-abot kami ni Fudra sa bahay dahil baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.

10:30am
Manila na uli. Pagkapasok sa kuwarto ko, bundok ng labahin ang sumalubong sa akin and yes! Naglaba ako after magpahinga ng ilang minuto. Naglaba ako ng Pasko. Tinawanan pa nga ako ng tindera sa may amin dahil daw parang wala lang sa akin ang okasyon. Eh sabi ko sa sarili ko, wala din naman akong magagawa dahil mag-isa lang ako sa bahay at wala na rin akong pera para lumabas pa. So naglaba lang ako nung Pasko.

December 26,
11:00am
Dumating ang asawa ko sa bahay. Nagyayang manood ng movie. Sabi ko, wala na akong pera dahil nga sa hospital bill, sabi niya, siya na raw bahala so pumayag ako. Gusto ko sanang panoorin ang Avatar kaso dahil MMFF, yun lang ang available sa mga movie houses and besides, gustong panoorin ni asawa ang "I Love You, Goodbye!" because of Derek Ramsey.

1:00pm
Nasa Gateway na kami. Nag-lunch muna and ayun, pinanood namin ang "I Love You, Goodbye!" The movie was okay. Hindi masyado maganda ang twist.

4:30pm
We planned to have coffee at samantalahin ang wifi pero hindi maka-connect sa wifi ang laptop ko so we decided to watch another movie: Shake, Rattle, and Roll XI. Umakyat kami uli sa taas to check yung next screening. 7:40 pa ang next screening. Hindi naman namin alam kung anong gagawin sa dalawang oras na hihintayin. Hindi ko naman na siya niyayang mag-coffee while waiting dahil siyempre, nahiya naman ako sa gastos. We decided na lumipat ng mall at baka may mas maaga.

5:30pm
Nasa Trinoma kami. Maraming tao. Pila agad kami to buy ticket. 7:20 ang next screening. Limited na lang din ang seats na available. We decided to wait for it na lang since ayaw pa rin naming umuwi. Okay pa rin naman yung seats na nakuha namin. After naming mabili ang ticket, nag-ikot kami. Tingin dun, tingin diyan. Naka-ilang yosi din kami. Tapos nagyaya siyang kumain na. Nag-dinner kami sa Mcdo dahil nasabi ko na nagcra-crave ako ng spaghetti ng Mcdo. Pampered talaga ako sa asawa ko. =)

7:20pm
Movie Time! Again; Shake, Rattle, and Roll XI is okay. Nakakatawa na medyo nakakatakot din kahit papaano. After ng movie, umuwi na kami agad dahil pagod na kami at inaantok.

11:30pm
House na. Hilamos lang tapos tulog na kami. Oo! Natulog lang kami! =)

So there, that was my adventure last holiday. I'm so looking forward for my New Year Celebration. I hope it will be as interesting as my Christmas Celebration. =)
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Thursday, December 24, 2009

Greetings...

To my family and friends...






MERRY CHRISTMAS!!!

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Friday, December 18, 2009

Positivity

Napakatagal na naman bago ko nasundan ang last entry ko. Ang dami kasing mga pangyayari sa buhay-buhay at busy din sa opisina. Medyo naipon na rin ang mga saloobin kaya heto, dahil medyo maluwag sa office, napag-desisyunan ko ng mag-sulat.

Nakakaloka lang kasi ang mga pangyayari sa bahay. Ang akala kong tuluyang paghihiwalay ni "Girl" at ni Fudra eh hindi pa pala. May susunod na kabanata pa na naganap. Pero dumating sa point na kinausap ni "Girl" si Mudra. Sinabi niya lahat ng mga nangyari kasi ang press release nitong si Fudra kay Mudra eh kaya siya sumama sa "Girl" eh dahil sa naging problema ko noong nakaraang taon which is hindi naman totoo dahil bago pa yung problema ko last year eh bumobongga na ang tagal ng relationship nila. So dahil sa ganun ang press release ni Fudra, ayun, nagtampo at sumama ang loob ni Mudra sa akin plus the fact na alam ko na nga iyong queme ni Fudra at hindi ko man lang sinabi sa kanya. Pero, ayun nga, kinausap ni "Girl" si Mudra at buti naman at naliwanagan si Mudra kaya ngayon, heto, nangungulit siya na umuwi ako sa Bagong Taon. Nakakwindang lang din kasi itong si Fudra dahil bigla-biglaan siyang nakikipaghiwalay sa "Girl" ng hindi man lang iniisip yung magiging resulta in the fututre. Kasi di ba nga, si "Girl" ang halos sumusuporta sa finances nina Mudra at ng dalawang sisters ko, dagdag lang yung mga binibigay ko. So, nung mga eksenang hiniwalayan ni Fudra si "Girl", naloka ako kasi ako lang naman ang may matinong work sa pamilya at ako ang panganay so natural ako susuporta sa kanila. Eh after few days na magkahiwalay sila ni "Girl" aba! Ayun, kasama siya ni "Girl" sa Bicol. Kalowka! Pero dahil sa nangyari, I guess, tanggap na ng bonggang-bongga ni Mudra ang mga kaganapan. Pero asar pa rin ako kay Fudra kasi parang sarili lang niya ang iniisip niya kahit na may mga kuda siyang kesyo ginagawa niya ito para sa amin. Nakiki-usap nga si Mudra na kausapin ko na raw si Fudra, sabi ko it will take time dahil masama talaga loob ko sa kanya.

Kasabay ng problema ko sa bahay, problema sa opisina. Dahil noong mga panahong iyon, wala pa ring increase at 13th month pay. May mga press release noon na "within this week" ibibigay na raw ng bonggang-bongga ang kayamanan. Dahil sa mga kudang ganun, mega gastos lahat ng mga nasa opisina eh nadelay ng nadelay, so ayun, naging problema ang pera. Siyempre, dahil tao lang, hindi maiwasang sumama ang loob. Kasi for me, ok lang naman na super late na maibigay ang kayamanan, kaso kasi ang nangyari, nai-set ang expectation na ganitong panahon ibibgay. Laging nase-set ang expectation na hindi naman natutupad. Marami akong officemate na sobrang sama ng loob na umabot na sa point ng resignation. Hindi nga lang makapag-resign dahil wala pa nga ang 13th month. Ang eksena naman ng increase eh similar din sa nangyari sa bonus. Na-delay. To think, isang taon na kami. Dahil parang halos ng nasa paligid ko eh wala ng kinuda kundi ang sama ng loob plus yung problema ko sa bahay, ayun! Bonggang-bongga na rin ang negatibong likido na dumadaloy sa utak ko. Inaamin ko, nadala ako at nagpa-apekto kaya tinamad pumasok. Pero lately, na-realized ko na nagtratrabaho ako sa isang start-up company, so dapat intindihin ko pa lalo ang mga nangyayari. Naisip ko nga, buti may trabaho ako, eh yung ibang tao walang work. At tsaka, at least dito nagka-posisyon na ako eh kung lilipat pa ako, napakahirap na humanap ng posisyon sa higpit ba naman ng kumpetisyon sa industriyang pinagtratrabahuhan ko. Kaya ngayon, kapag may mga kumukda ng mga negatibong issue, pasok sa isang tenga, labas sa isa. Focus ako ngayon sa lahat ng positive things kahit maraming problema. Lalo pa't ngayon naibigay na yung increase at 13th month. Kahit maliit lang ang increase, ok na yun, atleast meron.

Sa kabila ng mga problema ko, nagkaroon ako ng past-time at pamparelax. Nagpupunta kami ngayon sa GAY BAR. Nakaka-addict! Sa susunod ko na ikukuwento ang mga adventures namin dun... =)
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...