Friday, October 23, 2009

Grow up!

Hmmm... While writing this entry, I'm still undecided whether I should finish and publish this or not. I actually can't find any other way to let this feelings out of myself. This is all about my friend. But anyway, since one of the reasons why I have this blog is for me to have a way to release whatever feelings I have, I hereby present this entry to you...

"Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos!
Hindi ikaw ang pinaka-guwapo dito sa mundo!"


Well, I have this friend. Mabait siya and all. I mean, I can say that he's a true friend. He's there whenever I needed someone to talk to. It's just that, there is something with him that makes me irritated. As a friend, I'm very vocal with him about "that" problem. I never stopped calling his attention and reminding him about his behavior.

I don't know where to start and explain but the main reason why I am irritated to him at all times is because he feels that he's the most good looking person here in our workplace (which is not!). Gustung-gusto niyang makuhanan ng picture with his trademark pose na nakaka-asar plus the "over-confident" pose. There was actually an incident where in he courted a colleague but unfortunately, the girl chose the other guy and that other guy is (I'm not being mean, just honest) not so good looking. For comparison purposes, let's say my friend is on B level and the other guys is on C or D level. I was shocked when my friend blurted, "Hindi ko matanggap, mas pinili pa niya ang mukhang magsasaka!" Naloka ako ng bonggang-bongga sa kanya! As a friend, I do feel for him but I was not able to control myself at nasabihan ko siya na hindi lang siya ang anak ng Diyos.

Isa pa sa nakakainis sa kanya is ito. He finished high school in one of the reputable schools here in the country (I'm still not sure if dun siya graduate). He had his degree somewhere in the province (not the same school in high school). Whenever our topic is "college" school, ipakikipag-patayan niya ang school niya nung high school. I mean, c'mon, hindi ka nga dun nag-college eh. I'm always annoyed everytime na ginagawang big deal ang school sa college. Siyempre, umandar ang pagka-maldita ko, barado siya ng bonggang-bongga nung sinabi kong hindi naman siya dun nag-college. Napaka-brat pa niya. gusto niya, yung gusto niya ang masunod. Kung maka-reklamo ganun na lang eh wala namang ginawa sa office kundi mag-internet. Kahit walang access, gumagawa ng paraan para lang makapag-internet at maka-petiks.

Itong huling ito ang pinaka-nakakaasar na ugali niya, masyado siyang PG umasta (sa mga hindi nakaka-alam, PG = patay-gutom). Everytime we're out to eat or drink, hindi na niya iniintindi kung may iba pang hindi nakakain or what. Ang pulutan ay nagiging ulam sa kanya. Hindi pa nakakalapag ang food, kumukuha na siya. Siya ang unang-una sa pila and sobrang choosy pa! Kulang na lang, magdala siya ng plastic para may maiuwi siya. Napaka-parasite niya. Akala mo prinsipe na may utusan. Kesyo pabili naman ng ganito, padala naman ng ganyan.

May pahabol pa pala, nadudugyutan ako sa kanya. Dumudura sa semento ng smoking area. He doesn't clean his work station. The mug that he used for coffee will just be there uncleaned for two weeks. Gamit na kutsara, naka-tambak lang sa station ng hindi hugas. Jacket na hindi inuuwi para labhan. I mean, eeeewwww...

You guys can say that I'm mean or whatever but this is my way to release this feelings. He is my friend and still my friend. It's just that sometimes I'm getting tired of always reminding him about the stuff his doing that makes people around him irritated. Hindi lang naman ako ang naiinis sa ginagawa niya. Atleast, vocal ako sa kanya kaso nga lang, ayaw makinig. I guess, yun na talaga personality niya. I can't do anything but to accept him as my friend. Dumadating lang talaga sa point na dahil tao lang ako, hindi ko maiwasang mainis at maasar.
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

4 comments:

  1. mali ka friend... hindi siya anak ng Diyos...

    anak siya ng demonyo hehehehehe

    at sabihin mo sa kanya, ang good looks, nabibili na ngayon, at ang degree madali ring kunin...

    pero ang pangit na ugali... ay ewan.... hahahahaha

    ReplyDelete
  2. ikaw lang ba ang nagkakaproblema sa kanya?

    kung lahat ng taong kilala mo shares the same feeling towards this guy, personality na ni kuya yun. hindi na ito mere individual differences.

    ReplyDelete
  3. YJ: ahahaha... di naman ako harsh para sabihin yun... echos! di ko rin maipaliwanag ng bonggang-bongga...

    Nostalgiaoutbreak: halos lahat ng nasa paligid niya ganun din observation. personality na nga po niya iyon kaya mas iniintindi na lang po pero yun nga, dumadating sa point na nakakaasar pa rin. =)

    ReplyDelete