Tuesday, December 29, 2009

Rewind 2009

Last day of work for the year 2009. Walang masyadong work so I have time for blogging. Of course, hindi ako papahuli sa review ng buhay ngayong taong ito. I can say that this year is a roller coaster ride. Nakakaloka! Nakakatuwa! Nakaka-iyak! Lahat na ng emosyon...

January
  • Joined a start-up BPO company. Agent for two weeks and got promoted as Trainer.
  • Met up with Master Jedi after several months since the break up. Started dating again.
  • Started a new look - grew beard. Good bye "Good Boy Look"
  • Happy with life until the time came that my Mom knew about the "Girl". Worried because she tried committing suicide.
February
  • Official date as a Corporate Trainer (February 2). Handled my first training class. Had struggles but successfully overcame them.
  • Master Jedi and I officially got back as couple.
  • Problem with my Dad and "Girl" got worse. Planned for the worst scenarios.
March
  • Dad decided to resigned on his church duties and lived with "Girl".
  • Mom and sisters transferred in Pampanga.
  • INDEPENDENT. Rented a flat. I'm on my own.
  • Got a new phone - Nokia 5800
April
  • First financial problem for the year.
  • Homesick.
  • Planned to go Puerto Galera but was not able to.
  • Stopped communicating with Dad and "Girl".
May
  • First year anniversary with Master Jedi - May 13
  • Summer Outing with friends and Jed.
  • Was able to fix finances.
  • Enjoyed life.
June
  • Regularized as a regular employee.
  • Second financial crisis - paid tuition fees of my sisters.
  • Still enjoying life.
  • Went to Malate after 2 years of not having any gimmick night.
  • Stopped practicing my religion.
July
  • Busy with work.
  • Conflicts with Master Jedi started.
  • Went to Malate regularly.
August
  • Started this blog.
  • Regularized as a trainer.
  • Negative things started with work.
  • Broke up with Master Jedi.
  • Met Nurse Boi in Malate.
September
  • Got a new phone - E71
  • Got a partner at work - after several months of being the only trainer.
  • Still no adjustment with the compensation.
  • Dated Nurse Boi
October
  • Handle Communication Skills Training for the first time.
  • Ondoy.
  • Expected for the 13th month pay.
  • Usual routine.
  • Still dating with Nurse Boi
November
  • Still no 13th month pay.
  • Went home in Pampanga and got shocked because "Girl" has communication with my sisters and Mom was okay with it.
  • Talked to "Girl" again. "Girl" planned to end her relationship with Dad.
  • Planned for the financial support to family once "Girl" ended her relationship with Dad.
  • Went to a Gay Bar for the first time.
  • Getting serious with Nurse Boi
  • Start of the major financial crisis
December
  • Got the 13th month pay - paid some debts.
  • Got the increase on the compensation - atlast!
  • Got addicted with Gay Bar.
  • Deeply in love with Nurse Boi! =)
  • Decided to start a new blog - Pink Wings of Angel
  • FINANCIAL PROBLEM
Oh well, these are basically the things happened to me this year. I can not elaborate them further. Atleast, natatandaan ko pa ang mga pangyayari though hindi ganun ka-detailed. I can say that this year made me stronger and more mature in life.

Looking forward for 2010!

Bring it on!

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...


Soon to Fly...

Though I don't blog that much, another wings is soon to fly...


This is because of now my inspirations, thanks to Aris, Galen, Boying, and Red.

This blog will tell you my "adventures" and some stories made by yours truly.

Hope you will like it.

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Monday, December 28, 2009

"Sagana" ang Pasko!

Happy Holidays! Last weekend ko pa gustong ma-isulat ang entry na ito pero dahil walang chance na makapag-online, ngayon ko lang siya nai-publish...

I can say na "sagana" ang Christmas ko. As in "sagana"... Hindi ko nga alam kung paano sisimulan. Anyway, sa ganitong format ko na lang siya gagawin... =)

December 23,
5:00pm
Around this time, kakagising ko lang dahil tulog maghapon dahil may trabaho noong nagdaang gabi. I received a text message from my sister that my Mom was rushed in the hospital. Nadulas daw sa banyo and tumama ang ulo. Unconcious siya. I was super worried. Magpa-pasko pa naman (Though hindi talaga nagcecelebrate ng Christmas sa family dahil sa religion. Huwag na pong magtanong kung ano religion ko.) tsaka pa nangyari ito. Ang nakaka-asar pa, isang cellphone lang ang nadala ng dalawang sisters ko sa hospital at nalowbat pa. Wala akong nakukuhang update from them for couple of hours. Pumasok pa rin ako sa work dahil late na para umuwi pa ng probinsiya, wala ng masasakyan papasok sa resettlement namin and sa katangahan ko, I was not able to ask kung saang hospital dinala si Mama. Siyempre, wala ako sa sarili pagkadating sa office. My friends were trying to cheer me up pero walang effect ang ginagawa nila sa akin.

December 24,
1:00am
I was finally able to contact my sister. Hindi pa rin daw nagigising si Mama pero according sa doctor, she's stable na raw and wala namang internal bleeding. Medyo nakahinga ako ng konti dahil atleast stable siya. Super pray pa rin ako na sana maging super ok na siya.

4:30am
Around this time, tumawag sister ko telling na gising na si Mama. Salamat po, Lord! Ito ang una kong nasabi. I told her na after work eh didiretso na ako umuwi sa Pampanga. Nawala na ang pag-aalala ko dahil ok na si Mama. Pero she needs to stay pa rin sa hospital for observation.

9:00am
Nasa bus station na ako. Himala! Hindi ganun karami ang tao. I thought super hirap pauwi. Pero naghintay pa rin ako for the bus kasi 10:00am pa ang trip nung bus na sasakyan ko.

12:00pm
Nasa hospital na ako. I'm glad na super ok si Mama. Nangungulit na nga siyang umuwi dahil iniintindi ang gastos. Siyempre, dahil alam niyang wala pa akong tulog dahil galing ako sa work, hindi na siya kumibo nung sinabi kong huwag na niyang intindihin yung gastos at magpahinga na lang siya. Pero sa loob-loob ko, inaalala ko talaga ang gastos, hindi naman maiiwasan yun. Hindi mo naman maasahan ang dakila kong Fudra dahil nasa Cebu siya kasama si "Girl" at nagbabakasyon. Galing di ba? Anyway, hindi ko na lang inintindi yung sitwasyon na yun dahil ayaw ko nang mangunsumi pa.

2:00pm
Tulog. Bagsak. Borlogs. Bangkay-Mode.

5:00pm
Nadischarge na si Mama. According sa doctor, pwede na raw siya umuwi. Salamat uli ang nasabi ko. Pero kabado ako sa bill. Hindi ko kasi alam kung enough ang dala naming pera. Nung sinesettle ko na ang bill, parang ako naman ang gustong ma-hospital. Haayy... Ubos ang pera. Pero sabi ko sa sarili ko, okay lang ito, kikitain ko pa uli ito. Ganun din ang sinabi sa akin ng kaibigan ko, huwag na raw intindihin ang gastos, ang mahalaga okay na si Mama.

7:00pm
Naka-uwi na kami sa bahay. Pagdating sa bahay, nakaka-loka si Mama. Dumiretso sa kusina at may balak magluto ng dinner. Ang nasabi ko lang,
"Ma, okay ka lang? Parang hindi ka galing ng hospital ah? Magpahinga ka nga dun. Nakakaloka ka!"

Buti naman at nakinig dahil akala ko, magtatalo pa kami ng bongga. After few minutes na masigurado ko na magpapahinga si Mama, ako naman ang pumasok na sa kuwarto ko. Borlogs uli dahil super stressed na ako.

December 25,
Midnight
Merry Christmas! Bangkay Mode pa rin ako dahil sa pagod.

6:00am
Nagising na ako dahil sa gising na lahat ng tao sa bahay. Nakakaloka! Ang aga nilang magising. Sinabi ng sister ko na pauwi na raw si Fudra. Dahil dun, nag-ayos na ako agad para lumuwas na uli ng Manila. Ayokong magpang-abot kami ni Fudra sa bahay dahil baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.

10:30am
Manila na uli. Pagkapasok sa kuwarto ko, bundok ng labahin ang sumalubong sa akin and yes! Naglaba ako after magpahinga ng ilang minuto. Naglaba ako ng Pasko. Tinawanan pa nga ako ng tindera sa may amin dahil daw parang wala lang sa akin ang okasyon. Eh sabi ko sa sarili ko, wala din naman akong magagawa dahil mag-isa lang ako sa bahay at wala na rin akong pera para lumabas pa. So naglaba lang ako nung Pasko.

December 26,
11:00am
Dumating ang asawa ko sa bahay. Nagyayang manood ng movie. Sabi ko, wala na akong pera dahil nga sa hospital bill, sabi niya, siya na raw bahala so pumayag ako. Gusto ko sanang panoorin ang Avatar kaso dahil MMFF, yun lang ang available sa mga movie houses and besides, gustong panoorin ni asawa ang "I Love You, Goodbye!" because of Derek Ramsey.

1:00pm
Nasa Gateway na kami. Nag-lunch muna and ayun, pinanood namin ang "I Love You, Goodbye!" The movie was okay. Hindi masyado maganda ang twist.

4:30pm
We planned to have coffee at samantalahin ang wifi pero hindi maka-connect sa wifi ang laptop ko so we decided to watch another movie: Shake, Rattle, and Roll XI. Umakyat kami uli sa taas to check yung next screening. 7:40 pa ang next screening. Hindi naman namin alam kung anong gagawin sa dalawang oras na hihintayin. Hindi ko naman na siya niyayang mag-coffee while waiting dahil siyempre, nahiya naman ako sa gastos. We decided na lumipat ng mall at baka may mas maaga.

5:30pm
Nasa Trinoma kami. Maraming tao. Pila agad kami to buy ticket. 7:20 ang next screening. Limited na lang din ang seats na available. We decided to wait for it na lang since ayaw pa rin naming umuwi. Okay pa rin naman yung seats na nakuha namin. After naming mabili ang ticket, nag-ikot kami. Tingin dun, tingin diyan. Naka-ilang yosi din kami. Tapos nagyaya siyang kumain na. Nag-dinner kami sa Mcdo dahil nasabi ko na nagcra-crave ako ng spaghetti ng Mcdo. Pampered talaga ako sa asawa ko. =)

7:20pm
Movie Time! Again; Shake, Rattle, and Roll XI is okay. Nakakatawa na medyo nakakatakot din kahit papaano. After ng movie, umuwi na kami agad dahil pagod na kami at inaantok.

11:30pm
House na. Hilamos lang tapos tulog na kami. Oo! Natulog lang kami! =)

So there, that was my adventure last holiday. I'm so looking forward for my New Year Celebration. I hope it will be as interesting as my Christmas Celebration. =)
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Thursday, December 24, 2009

Greetings...

To my family and friends...






MERRY CHRISTMAS!!!

====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Friday, December 18, 2009

Positivity

Napakatagal na naman bago ko nasundan ang last entry ko. Ang dami kasing mga pangyayari sa buhay-buhay at busy din sa opisina. Medyo naipon na rin ang mga saloobin kaya heto, dahil medyo maluwag sa office, napag-desisyunan ko ng mag-sulat.

Nakakaloka lang kasi ang mga pangyayari sa bahay. Ang akala kong tuluyang paghihiwalay ni "Girl" at ni Fudra eh hindi pa pala. May susunod na kabanata pa na naganap. Pero dumating sa point na kinausap ni "Girl" si Mudra. Sinabi niya lahat ng mga nangyari kasi ang press release nitong si Fudra kay Mudra eh kaya siya sumama sa "Girl" eh dahil sa naging problema ko noong nakaraang taon which is hindi naman totoo dahil bago pa yung problema ko last year eh bumobongga na ang tagal ng relationship nila. So dahil sa ganun ang press release ni Fudra, ayun, nagtampo at sumama ang loob ni Mudra sa akin plus the fact na alam ko na nga iyong queme ni Fudra at hindi ko man lang sinabi sa kanya. Pero, ayun nga, kinausap ni "Girl" si Mudra at buti naman at naliwanagan si Mudra kaya ngayon, heto, nangungulit siya na umuwi ako sa Bagong Taon. Nakakwindang lang din kasi itong si Fudra dahil bigla-biglaan siyang nakikipaghiwalay sa "Girl" ng hindi man lang iniisip yung magiging resulta in the fututre. Kasi di ba nga, si "Girl" ang halos sumusuporta sa finances nina Mudra at ng dalawang sisters ko, dagdag lang yung mga binibigay ko. So, nung mga eksenang hiniwalayan ni Fudra si "Girl", naloka ako kasi ako lang naman ang may matinong work sa pamilya at ako ang panganay so natural ako susuporta sa kanila. Eh after few days na magkahiwalay sila ni "Girl" aba! Ayun, kasama siya ni "Girl" sa Bicol. Kalowka! Pero dahil sa nangyari, I guess, tanggap na ng bonggang-bongga ni Mudra ang mga kaganapan. Pero asar pa rin ako kay Fudra kasi parang sarili lang niya ang iniisip niya kahit na may mga kuda siyang kesyo ginagawa niya ito para sa amin. Nakiki-usap nga si Mudra na kausapin ko na raw si Fudra, sabi ko it will take time dahil masama talaga loob ko sa kanya.

Kasabay ng problema ko sa bahay, problema sa opisina. Dahil noong mga panahong iyon, wala pa ring increase at 13th month pay. May mga press release noon na "within this week" ibibigay na raw ng bonggang-bongga ang kayamanan. Dahil sa mga kudang ganun, mega gastos lahat ng mga nasa opisina eh nadelay ng nadelay, so ayun, naging problema ang pera. Siyempre, dahil tao lang, hindi maiwasang sumama ang loob. Kasi for me, ok lang naman na super late na maibigay ang kayamanan, kaso kasi ang nangyari, nai-set ang expectation na ganitong panahon ibibgay. Laging nase-set ang expectation na hindi naman natutupad. Marami akong officemate na sobrang sama ng loob na umabot na sa point ng resignation. Hindi nga lang makapag-resign dahil wala pa nga ang 13th month. Ang eksena naman ng increase eh similar din sa nangyari sa bonus. Na-delay. To think, isang taon na kami. Dahil parang halos ng nasa paligid ko eh wala ng kinuda kundi ang sama ng loob plus yung problema ko sa bahay, ayun! Bonggang-bongga na rin ang negatibong likido na dumadaloy sa utak ko. Inaamin ko, nadala ako at nagpa-apekto kaya tinamad pumasok. Pero lately, na-realized ko na nagtratrabaho ako sa isang start-up company, so dapat intindihin ko pa lalo ang mga nangyayari. Naisip ko nga, buti may trabaho ako, eh yung ibang tao walang work. At tsaka, at least dito nagka-posisyon na ako eh kung lilipat pa ako, napakahirap na humanap ng posisyon sa higpit ba naman ng kumpetisyon sa industriyang pinagtratrabahuhan ko. Kaya ngayon, kapag may mga kumukda ng mga negatibong issue, pasok sa isang tenga, labas sa isa. Focus ako ngayon sa lahat ng positive things kahit maraming problema. Lalo pa't ngayon naibigay na yung increase at 13th month. Kahit maliit lang ang increase, ok na yun, atleast meron.

Sa kabila ng mga problema ko, nagkaroon ako ng past-time at pamparelax. Nagpupunta kami ngayon sa GAY BAR. Nakaka-addict! Sa susunod ko na ikukuwento ang mga adventures namin dun... =)
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Tuesday, November 10, 2009

Bonggang-Bongga!

Oh well... This past few days, sobrang bonggang-bongga ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Aside sa pangyayari sa pamilya ko, may mga karagdagang events pa na nakaka-loka.

The day na nag-usap kami ni "Girl", syempre walang tulog ang lola mo. May pasok pa sa office kinagabihan. So, siyempre, sobrang init ng ulo ko. Anyway, since tag-tipid ang dramathon sa hapon, mega-commute ako papasok sa opisina. Nakasakay ako sa jeep at nakaka-loka ng bonggang-bongga dahil parang Pride Day ang nangyari. May tatlong cross-dresser at dalawang paminta sa jeep (may dalawang babae at isang lalaki naman sa jeep infurness). So, siyempre ang lola mo, dahil mainit ang ulo, wa ako quebs sa mga tao sa jeep. Nakaka-loka lang kasi ng bonggang-bongga eh nagpa-gas si manong driver. Literal kaming nasa gasoline station ng kinse minutos at nagpa-gas siya ng trenta pesos! Pero, since patience is a virtue, wit ko na lang pinansin ang kaganapan. Nadagdagan na lang ang inis ko dahil lahat ng taong makita ni manong driver na hindi naman pumapara eh hinihintuan niya. Tapos, naipit pa kami sa traffic dahil ang hina niyang dumiskarte. Patience pa rin ang pina-iral ng lola mo. Nung pumara ako para bumaba, kasabay kong pumara yung mga kabaro ko. Same lang pala kami ng bababaan. Nakakaloka lang kasi biglang sumagot si manong driver na, "Bawal bumaba ang mga bading diyan". Dun na nawala ang patience ko. Naloka ako ng bonggang-bongga sa sinabi ng driver. Sa inis ko, kinuwelyo ko si driver sabay sabi,
"Putang-ina mo! Nasa gasoline station tayo ng kinse minutos dahil nagpa-gas ka ng bonggang-bonggang trenta pesos, lahat ng taong nakikita mo na hindi naman sasakay eh hinihintuan mo ng bonggang-bongga tapos ngayon hindi mo kami mai-queme sa kinang-inang bababaan namin at lalaitin mo pa pagka-bakla namin?! Akala mo guwapo ka? Mukhang kang puwet na nilapastangan ng bonggang-bongga! Nakakaloka ka! Bonggang-bongga ka kuya!"

Ayun, lumabas ang pagkalalaki ng lola mo! Wa ako quebs kahit sobrang nag-cause ng traffic ang ginawa ko. Pagkababa ng jeep, sabi nung isa sa mga bading relax lang daw ako. Oh well, sana hindi ko na lang siya masakyan uli.

Tsaka ko na ikukuwento ang iba pang nakakalokang pangyayari sa bonggang-bonggang buhay ko... I apologize for the french sa entry ko na ito...
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Thursday, November 5, 2009

What the...

I should not be writing this entry since it's a very personal matter but since one of the reasons why I have this blog is for me to have an outlet, I decided to publish this. Sorry guys if I'm being redundant on explaining things. It's just that, this is how I feel. Anyway, I went home in Pampanga last sunday and I'm still here with my family (extended vacation leave. hehehe). I was forced to go home because it's been a while since I stayed here but since I do miss my family a lot, I decided to go home and have some rest as well. Besides, miss ko na luto ni Mama. =)

Isa sa mga rason kung bakit hindi rin ako madalas umuuwi ay dahil kay Papa. Yeah, we are not in good terms because I knew that he has another woman. He actually introduced her to me. I know, unfair yun kay Mama na hindi ko sinabi sa kanya but the thing is, it's for the good of my sisters. Si "Babae" kasi ang magpapa-aral sa sisters ko but of course, si Papa ang alam nilang nag-wowork. Dating church officer si Papa and because of the "girl" he needed to resign. He pretended kay Mama na may work siyang iba but the truth is si "Babae" ang susuporta sa kanila. I should be included sa support na ibibigay ni "Girl" but since ma-pride ako, I declined the offer and worked here in Manila. I want to be independent and ayoko tumanaw ng utang na loob sa kanya and kay Papa. Sobrang naging kumplikado pa ang sitwasyon when the "Girl" went over the border line. She acted as if she is my mother and I didn't like that. At syempre, ako ang lumitaw na masama sa paningin ni Papa.

Anyway, my first day in Pampanga is generally good. Badtrip lang kasi, pagdating na pagdating ko sa bahay, nandun si Fudra. Sobrang inis ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. I just pretended na wala siya dun. Hindi ko siya kinibo. He talked to me pero tumango lang ako sa kanya. Buti na lang umalis siya agad. So okay na ulit. May mga weird things lang akong napansin. There were a lot of stuff there na unusual sa amin knowing na sobrang matipid and kuripot si Mama. Mas nagtaka ako nung nakita ko yung ibang things dun na may nakadikit na note for my sisters. The penmanship is familiar. Penmanship ni "Girl". Hindi lang ako kumibo. I waited for my mother or my sisters to tell me kung ano ang nangyayari sa bahay. I even tried to squeezed them asking kung kanino galing yung mga yun. Finally, my mother approached me nung nasa room na ako. I was schocked. They already new about the "Girl". Sabi pa ni Mama na huwag ko daw siya i-judge kung bakit pumayag siya sa set-up na yun. Naawa ako kay Mama. Sobra. I know, nahihirapan siya. Sinabi niya na wala naman siyang ibang magagawa kundi pumayag sa ganung set-up for the sake of my sisters. Pero pinagtanggol pa rin niya si Papa. Sabi niya na kami pa rin ang unang pamilya at siya pa rin ang mahal ni Papa. Hindi naman daw sa ginagamit nila yung "Girl" pero wala nang ibang choice kundi yun. Hindi na rin daw kasi makahanap ng work si Papa and hindi na siya makakabalik as church officer dahil sa nangyari. Nakakatawa na nakakagulat na ewan, magka-text pa yung mga sisters ko at yung "Girl". Alam din naman daw kasi ni "Mama" na hindi kakayanin ng suweldo ko na suportahan sila. Ayaw niya and ayaw ko rin na mag-stop sa school yung sisters ko (they are both in college). So ang plan daw nila is patapusin sa school ang dalawa and tsaka hihiwalay si Papa and babayaran kay "Girl" lahat ng binigay nito. Sobrang kumplikado and sobrang nakakagulat ang nangyari.

My mother is convincing me to go back to school and the "Girl" will also support my needs. But I'm very firm with my decision. I told her na huwag na lang. Kaya ko suportahan sarili ko and them without asking help from the "Girl". Sinabi ko rin an ayoko tumanaw ng utang na loob sa "Babae" and kay Papa. She's glad that I'm standing on my own feet. Nag-sorry siya dahil hindi daw niya mabigay mga needs ko. I told her na hindi siya dapat mag-sorry. Sinabi ko sa kanya na whatever happens, I will support her. Kung kailangan niya ng maiiyakan, nandito lang ako. Sinabi ko sa kanya na tatagan niya loob niya and malalampasan din namin kung anoman itong nangyayari sa amin ngayon. She asked me na magbati na kami ni Papa. Sabi ko sa kanya, it will take time bago mangyari yun. I apologized to her because I can't grant that request immediately. Sabi ko na lang na hayaan na lang yung nasa Itaas ang mag-guide sa amin.

Sobrang nalulungkot ako sa nangyayari sa pamilya namin ngayon. Sobrang naguguluhan ako sa nangyayari. I'm always praying to Him for me to be strong in this stage of my life. Sinasabi ko rin sa Kanya na alagaan lagi ang pamilya ko... Haaayyy... magulo... hindi ko mailagay lahat ng nangyayari... This entry helped me to ease the burden kahit konti lang... I'm hoping na maging maayos na lahat.
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Friday, October 23, 2009

Grow up!

Hmmm... While writing this entry, I'm still undecided whether I should finish and publish this or not. I actually can't find any other way to let this feelings out of myself. This is all about my friend. But anyway, since one of the reasons why I have this blog is for me to have a way to release whatever feelings I have, I hereby present this entry to you...

"Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos!
Hindi ikaw ang pinaka-guwapo dito sa mundo!"


Well, I have this friend. Mabait siya and all. I mean, I can say that he's a true friend. He's there whenever I needed someone to talk to. It's just that, there is something with him that makes me irritated. As a friend, I'm very vocal with him about "that" problem. I never stopped calling his attention and reminding him about his behavior.

I don't know where to start and explain but the main reason why I am irritated to him at all times is because he feels that he's the most good looking person here in our workplace (which is not!). Gustung-gusto niyang makuhanan ng picture with his trademark pose na nakaka-asar plus the "over-confident" pose. There was actually an incident where in he courted a colleague but unfortunately, the girl chose the other guy and that other guy is (I'm not being mean, just honest) not so good looking. For comparison purposes, let's say my friend is on B level and the other guys is on C or D level. I was shocked when my friend blurted, "Hindi ko matanggap, mas pinili pa niya ang mukhang magsasaka!" Naloka ako ng bonggang-bongga sa kanya! As a friend, I do feel for him but I was not able to control myself at nasabihan ko siya na hindi lang siya ang anak ng Diyos.

Isa pa sa nakakainis sa kanya is ito. He finished high school in one of the reputable schools here in the country (I'm still not sure if dun siya graduate). He had his degree somewhere in the province (not the same school in high school). Whenever our topic is "college" school, ipakikipag-patayan niya ang school niya nung high school. I mean, c'mon, hindi ka nga dun nag-college eh. I'm always annoyed everytime na ginagawang big deal ang school sa college. Siyempre, umandar ang pagka-maldita ko, barado siya ng bonggang-bongga nung sinabi kong hindi naman siya dun nag-college. Napaka-brat pa niya. gusto niya, yung gusto niya ang masunod. Kung maka-reklamo ganun na lang eh wala namang ginawa sa office kundi mag-internet. Kahit walang access, gumagawa ng paraan para lang makapag-internet at maka-petiks.

Itong huling ito ang pinaka-nakakaasar na ugali niya, masyado siyang PG umasta (sa mga hindi nakaka-alam, PG = patay-gutom). Everytime we're out to eat or drink, hindi na niya iniintindi kung may iba pang hindi nakakain or what. Ang pulutan ay nagiging ulam sa kanya. Hindi pa nakakalapag ang food, kumukuha na siya. Siya ang unang-una sa pila and sobrang choosy pa! Kulang na lang, magdala siya ng plastic para may maiuwi siya. Napaka-parasite niya. Akala mo prinsipe na may utusan. Kesyo pabili naman ng ganito, padala naman ng ganyan.

May pahabol pa pala, nadudugyutan ako sa kanya. Dumudura sa semento ng smoking area. He doesn't clean his work station. The mug that he used for coffee will just be there uncleaned for two weeks. Gamit na kutsara, naka-tambak lang sa station ng hindi hugas. Jacket na hindi inuuwi para labhan. I mean, eeeewwww...

You guys can say that I'm mean or whatever but this is my way to release this feelings. He is my friend and still my friend. It's just that sometimes I'm getting tired of always reminding him about the stuff his doing that makes people around him irritated. Hindi lang naman ako ang naiinis sa ginagawa niya. Atleast, vocal ako sa kanya kaso nga lang, ayaw makinig. I guess, yun na talaga personality niya. I can't do anything but to accept him as my friend. Dumadating lang talaga sa point na dahil tao lang ako, hindi ko maiwasang mainis at maasar.
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Saturday, September 12, 2009

Bounce Back

"Ang kabaitan na ibinigay mo ay masusuklian ko ng kabaitan, ang kamalditahang ipinakita mo ay susuklian ko rin ng kamalditahan, doble pa!"

I don't know how to start this entry. I can say that I am typically pissed off and happy as well. Gulo noh? I have this colleague kasi na isang intrimitidang prag. A poser. Always pretending to be someone else. Kahit hindi naman niya nahawakang position, sinasabi niya na nahawakan niya ito. He was my trainee before. Luckily for him, he was promoted after a period of time. I was civil with him. Kahit na asar na asar ako sa kanya. Just to have a "peaceful" working environment, I always have this patience for him.


Last week, I was not able to attend a meeting because I was sick. It so happen that our big boss also attended the said meeting. This intrimitidang prag raised a concern about my department. Ang weird part lang is I'm always attending this meeting and he never raised this issue to me. Kung kailan wala ako sa meeting at nandun ang big boss, tsaka niya ni-raise yung concern na yun. He's claiming that there is a topic that is not being included on the training that I am conducting which is sobrang hindi totoo dahil I know on my end na yung topic na yun is very critical for the campaign. I know that my big boss knows that the issue this intrimitidang prag raised is not true. I just don't get what is his agenda kung bakit ganun siya.


Anyway, to clarify this issue, I announced an up training for that topic. Since, I don't want to talk to him, I talked to his assistant about the activity. Nakikinig siya habang kinakausap ko siya pero wa ako quebs, hindi ko pa rin siya kinausap. After few minutes, I received an email from him about his issue sa topic na yun. Nakakainis kasi, ang lapit-lapit lang ng post ko sa post niya, hindi pa ako kinausap ng personal about it. So, what I did, nireplyan ko ang email niya ng bonggang-bongga na naka-carbon copy ang big boss which is a protocol for us na hindi niya ginawa nung una. Sagutan kami sa email kung ano ang dapat gawin. Of course, wala naman akong ginawa para ibaba ang level ko sa kanya. So, we have settled to do the up training. I suggested to do it next week para naman makapag-prepare ako ng bonggang-bongga. Pero ang intrimitidang prag, nag-email uli and he wants to do the training today. Nakakatawa lang kasi akala niya mag-papanic ako dahil I still have to do the training materials pero sorry siya, siya ang nag-panic. On our email thread, there are information that I requested from him para makagawa ako ng good training material. Since, he wants to do the training today, kailangan niya ibigay sa akin yung hinihingi ko. So ayun, ang lola mo, naloka sa pagkuha ng information na hiningi ko while me, relax lang sa paggawa ng training materials while waiting for him. Anyway, I was able to finish everything and I am prepared kahit rush. =)


Isa siyang intrimitidang prag. Dahil dun magiging intrimitida din ako, pero isang intrimitidang DYOSA. A piece of advice, kung anoman ang ibabato mo sa akin, just make sure na kapag ibinato ko uli sa'yo ang ibinato mo eh kakayanin mo dahil pagkabato ko sayo ng ibinato mo eh magiging doble o triple ito. =)
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Tuesday, August 25, 2009

First Time

First Time. This is actually the first time that the break up came from me. It was a very hard thing to do for me. I didn't know what to say and how to do it at first. But yeah, we broke up. I'm the dumper.

I don't know what happened with us. I do still love him but I chose to let him go. He's an ideal partner. Stable, mature, sweet, and loving person. I actually saw myself to be with him forever but I really can't explain what happened with us. By the way, this is the second time that we broke up. I was dumped on the first.

He was my trainer before. After our training, naging kami. Sa isang inuman naging kami. After 2 weeks na maging kami, we decided to live together. So, ayun... Sabay kaming gigising, sabay kakain, sabay maliligo, sabay papasok sa trabaho. Pagdating sa office, sabay ng 1st break, sabay ng lunch break, sabay ng last break at sabay uuwi. We're like that for 2 months and dun namin na-realize ang word na "umay". That is one of the reasons kung bakit kami naghiwalay noon. Nahirapan ako sa break up namin noon. I felt that it was already the end of the world. I really don't know how will I survive that time. Pero nakayanan ko. I was able to move on. Sobrang inenjoy ko ang singlehood. I was on the peak of enjoying the life being single when he decided na makipagbalikan sa akin. Nagkabalikan kami. At first masaya. Pero hindi ko na maibalik yung dati. Yung dating intensity ng love ko for him. We celebrated our anniversary. I was able to have the same intensity of feelings for him pero hindi ko rin na-maintain. Wala na talaga yung dati. Hanggang sa lagi na kaming nag-aaway. Kahit maliit na bagay lang, pinag-aawayan namin. Hanggang sa ayun, hindi ko na nakayanan. Nakipag-hiwalay na ako.

After the break up, nalulungkot ako siyempre dahil nakakapanghinayang yung time na pinag-samahan namin. Pero relieved ako after the break up. Parang ang luwag sa pakiramdam. Weird nga eh... Nakakalungkot, na nakakagaan sa pakiramdam, na masaya... ewan ko, halu-halong emosyon.
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Friday, August 21, 2009

Paper

Papel. Bakit nga ba may ma-papel na tao? I'm still trying not to be so pissed off on what happened but I just can't help it. Hindi kasi nasunod ang process. Some people are over using their powers and position. Eh yun pa naman ang ayaw na ayaw ko. Wala nang ibang anak ang Diyos kundi siya, wala nang ibang magaling kung hindi siya, wala nang ibang matalino kundi siya. Argh! Sana naiintindihan mo ang word na "process". Sana lang... Nagpapakahirap kami sa pagsunod sa process. Nakaka-tempt minsan na gumalaw para sa personal na interest pero hindi pa rin namin ginawa dahil nakakatakot. Pero ikaw, grabe!!! Wala akong masabi... Bakit ka pa kasi napunta dito?
Oh well... Isa lamang paglalabas ng sama ng loob...
====>>>
Till then... Angel will spread his wings and fly...

Thursday, August 20, 2009

First Spread of Wings

After a very long time of hard thinking, finally, I have now decided to create a blog. Though I'm not that frequently online, I think I will still be able to manage this page. For the past few days, since I don't have a lot of stuff to do at work, I was able to read some "interesting" topics in the Blog-world. I guess, that's the reason why I was able to convinced myself to create one. I'm not a good writer but I have lot of things in my weird and crazy mind. I hope I will be able to put a little impact on the heart and/or mind of the other bloggers once they have read my future entries. I'm excited to draw some pictures and put it in words.
====>>>
Till then...Angel will spread his wings and fly...